|
RF: Choir ako.
Since grade 2, choir na talaga ako. Hanggang ngayon. Pero wag ka, hindi ako magaling kumanta. MARUNONG lang. Yun lang. Cover? Dadating tayo dyan. :) Sa simbahan na ako lumaki. Ginagawa palang yung simbahan namin, kumakanta na ako. Pasimula ng pinsan ko yun e. Naalala ko pa nun. Ang liit ko. Lagi akong nakamini skirt tapos laging singit sa mga tanders. Sa simbahan na ako natutong humarap sa madaming tao, makisama, gumalang sa nakakatanda. In short, mas naging pangalawang tahanan ko ang simbahan kesa sa school. Sa simbahan ako unang nagpasikat, sumayaw-sayaw, kanta-kanta. Madami na din akong natutunan at napagdaanan sa simbahan. Share ko lang. :) POST DETAILS: Posted on February/19/2012 Tagged as: kshare, bheeeeeeeng, POST NOTES:
|
|